Your Email Address:

First Name:




Anyone live in Philippines? Manila.

Everything related with bad breath can be found here. Everything about products, research, news about bad breath......
Justice
Junior
Posts: 78
Joined: Mon Nov 20, 2017 2:28 pm
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Justice »

Alec T wrote: Thu Dec 27, 2018 10:27 pm Hello I found a cure to my periodontitis!
Periodontitis causes bad breath, next stage after gingivities! Siguro half sa inyo eto ang meron! Swelling of gums, pagluwag ng ngipin, pagdurugo ng gums, may nana sa gums na sobrang baho!

My story:
Sabi ng dentist ko to gargle with I forgot the name ng mouthwash but it worked! It was just gingivities! But in just a week magaling na sya! So I kept on my usual hygiene which is not brushing kasi 1 week lng solve agad! Pabalik balik ang gingi ko kasi nga nde ako pala toothbrush, it worsened! Naging periodontitis! Boom nde na nagana ang mouthwash ko lahat na sinubukan as in lahat ng available sa watson at mercury drug nde nagana!

My solution is paste not gargle:
Sa toothbrush, gargle nde mo mapatay lahat ng bacteria ng periodonti! Pero sa paste pano!
Napansin ko sa upper gums ko was affected as well! May swelling at minsan bigla bigla sobrang sakit, para kang may rayuma sa ngipin!
Nilagyan ko ng tooth paste yung gum na masakit, binabad ko cguro 5-10 mins. napansin ko nawala agad ang swelling! Kaya dun ko nakuha na eto ang solusyon!
Pero wag kaagad gawin wag excited eto ang steps!
1. Bili ka colgate 2 in 1 sa isang box yung triple action P149 kasi baka maubos mo 1 and 1/5 to see results! Nde ako taga colgate, at nasubukan ko ang iba nde nagana eh!
2. Babad babad pag may time, start kayo sa 5 mins after eating sa gabi, kasi masakit din sya at nakakapaso sa dila and lips!
3. As you progress mass damihan nyo ang pag lagay sa affected area at mas tagalan 10 mins to 15 mins. Yung affected area eh yung maga, may dugo, at grayish area!
4. Kung kaya mo na 15 mins minsan mapapansin mo may burn or parang napaso ka sa paglagay! Pahinga mo 1-2days wag ka muna magpahid! Toothbrush nlng muna!
5. 30 mins! Kung kaya mo na ito, next day pahinga at baka napaso mo na pati gums! 1-days pahinga
6. Work your way up till kaya mo na ibabad for 1 hr! Maglalaway ka at mapapaso, but sure napapatay mo rin yung bacteria! Mag laro ka nlng sa cp mo para malibang!
7. Mapapansin mo wala na ang nana sa gums, mo wala na rin ang pagdurugo, wala ng bad breath! From time to time gawin mo pa rin ang pag babad para nde na bumalik!

Sa lahat ng natulungan ko sa post na ito! Sana matilungan nyo rin ako sa ibang bagay hehe
Merry Christmas ti God be the Glory
Nde ako taga colgate hehehe
Happy new year! Babad babad pag may time!
Hi Alec.. maraming salamat sa info , may tanong lang po sana ako.. yung bb mo po ba is nanggagaling lng sa mouth or pati narin sa ilong...?


Justice
Junior
Posts: 78
Joined: Mon Nov 20, 2017 2:28 pm
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Justice »

space wrote: Sun Dec 30, 2018 3:14 am Hello guys! (2017 pa ata yung huli kong post) Magnu-New Year na naman, kaya sana makatulong tong information kahit papano.

At the moment: may bb pa rin ako, pero pero pero at least ngayon na-identify ko na yung pinakamain na cause ng bb ko (reminder, iba-iba tayo ng katawan, ng biological makeup kaya iba-iba din malamang ang cause ng bb natin) 13 years na akong may bb, nagstart nung 14 ako, pero lumala nung college. Napinpoint ko na kahit paano yung root cause:

1. yung gums ko (amoy fecal siya, nalaman ko after ako magfloss tas aamuyin per floss thread kung aling ipin yung may smell, smelly yung at least 5 sections/ipin) pag nagfloss ako, walang smell sa ibang gums na okay, pg hindi ako nagfloss kahit after a 2 days, amoy fecal sila lahat) - treatment plan ko, bili muna ko waterflosser (meron sa Lazada, medyo mahal waterpik kaya Panasonic water flosser, disclaimer hindi ako tiga-panasonic or Lazada) traditional flossing + waterflossing para sa gums, pag hindi gumaling lalo na yung nasa mga bagang, mag-ipon ako for scaling and root planing (another note pala is toothpaste, yung normal commercial toothpaste, napapansin ko lalong nagssmell bibig ko after 30 mins to an hour, natry ko na Jason mas mild kesa commercial toothpaste pero nagbibleed pa rin gums ko, baka sensitive sa cinnamon variant, yung Human Nature (ulit, di rin ako tiga human nature) okay din pero may smell pa rin yun after. Breakthrough is super mild na baby toothpaste (Buds Oralcare organics oral gel 0-1 year gamit ko ngayon, ulit ulit, hindi ako taga-company na yon) chineck ko na naman ang ingredients, okay sakin, iniiwasan ko fluoride at sls at mint at iba pang nasa commercial toothpaste, note: wala siyang namumuong bad smell sa gums after, and downside hindi siya mabula, walang mint, at higit sa lahat matamis siya lasang candy hahahaha


2. bukod sa gums, may mucus ako sa throat, dahil dun nagiging breeding ground ng bacteria na nagiging bb, nakakadevelop din tonsil stone. May diet plan ako next year kasabay nung treatment plan ko sa gums ko. Nagresearch research ako, tas inflammation ang isa sa pinakacause ng mucus (clear mucus yun hindi plema, nakatambay lang lagi sa lalamunan ko) ang susubukan kong modified diet ay (base ito sa sarili kong symptoms, nagfu-food journal din pala ako): GLUTEN-FREE, DAIRY-FREE (lactose intolerant ako at nagkocause din inflammation), LOW HISTAMINE (hindi ako sure kung overloaded na ko sa histamine kaya nagkakamucus ako kaya isasabay ko na din), yung isa pa ay diet para sa LEAKY GUT (iwasan ko lang mga fermented at ibang gulay kasi contradicting sa low histamine diet)

2 months ang ideal time ko para sa strict diet na yan, sabi ng isang nutritionist, at least 2 months naghiheal kung anong meron sa tiyan

ang maisasuggest ko po:

1. Modified diet - hindi ito ang miracle cure o gagaling na ganun, ito ay for managing o lowering yung level ng amoy. You might want to read about foods high in tryptophan (nagiging skatole ata to o indole, di ako sure sa spelling, basta yun yung amoy poo.) TRYPTOPHAN, METHIONINE, or THIOLS. CHOLINE ata yung sa fishy smell. Try do an elimination diet (at least 5 weeks), keep a food journal to keep track of what you're putting inside your body. Note anything noticeable difference (ex. Bitter taste sa mouth paggising kinabukasan after kumain ng pastries: chocolate cake, cassava cake)

2. Habang nasa modified diet (para lang mamanage ang amoy, temporary lang ang effect nun okay, at percentage lang din hindi buong level ng bb mawawala pag nakamodified diet, pag kumain ulit ng bb food, babalik ulit). Dapat mapinpoint yung root cause, ang pinakadahilan talaga:
- oral (GUMS-gawin ang floss test, amuyin per thread after magfloss, new floss thread per section ng ipin, SIRANG IPIN, WISDOM TEETH, TONGUE, MOUTH BACTERIA/ORAL MICROBIOME)
- lalamunan (MUCUS, TONSIL STONES)
- gastrointestinal (food that you eat example burger, food intolerances, SIBO, LEAKY GUT, airway reflux, low stomach acid cannot digest food properly causing putrefaction, certain medications)
-others (smoking, alcohol intake, diseases example kidney-related, TMAU, post nasal drip, anxiety and nervousness, stress)

ang cause ng sakin ay: gum disease, chronic mucus sa throat (at some food intolerances, nag-bb ako lagi sa beef ewan ko kung bakit)

Ang haba ng reply ko, sana mabasa hanggang dito. Sa tinagal, narealize ko na yung bb ay isang symptom, dapat malaman ang root cause. Sa mga bagay-bagay na nasubukan ko na din, walang isang miracle na toothpaste o mouthwash o herbal supplement na boom mapapagaling tayo lahat, fortunate yung iba yun ang solution nila.Pero gaya ng nasabi ko na sa taas, iba-iba ang makeup at history ng katawan natin, i-in depth observation natin kung anong symptom yung meron tayo, magbasa palagi ng articles base sa symptom na meron ka, keep going kahit ang miserable at parang wala ng pag-asa. Sabi ulit nung nutritionist, kung walang ibang makitang mali sa mga medical test, ayusin ang kinakain. So dun na lang magstart muna, alam kong mahirap, napakahirap, kahit ako nahihirapan magastos pa nga at lalo yung will power na iwasan yung ibang pagkain, madami yung kayang magive up sa iba, pero hindi kaya sa pagkain. Naintidihan ko yun, pero baka andun yung solution, hindi 100% siguro pero may percentage na makakatulong din habang pinapagaling yung katawan natin, kasabay nung iba pang customized treatment na gagawin natin. Yung sana ang focus: TO HEAL the certain part of our bodies na medyo pumalya kaya nagkasymptom tayo ng bb.

(Unti lang kinikita ko, kaya sa mga march pa ako magstart sa diet, mga feb yung sa gums, pinaghahandaan ko mealplan pati sandamakmak na mindset ngayon pa lang, iniisip ko na lang ang ROI (return of investment na sakripisyo at hirap): FREEDOM, BETTER LIFE, BETTER RELATIONSHIPS, ang by product lahat nun sa huli ay happiness. Eto lang ang maitutulong ko, summary ng mga nalaman ko at unting optimism. Sana eto na talaga, good luck sating lahat. HAPPY NEW YEAR!
Hi Space... maraming salamat po sa info .. tatanong lng po sana.. ung BB mo po ba is nanggagaling lng sa mouth or pati na rin sa ilong...?
space
Advanced
Posts: 104
Joined: Wed Feb 01, 2017 8:56 am

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by space »

Hello Justice, I have the worst kind of bb (but I think mas mahirap yung sa mga may TMAU). Mine can fill up a room, kahit nag-e-exist lang ako dun, kahit di nagsasalita (comments like "bat amoy tut tut"). May nabasa ako yung post ng user na Raymond ang pangalan, may nagpost dun na kapareho ko ng symptom, may clear mucus (hindi phlegm) lagi sa lalamunan, susubukan ko din yung suggested nilang breathing technique, libre lang naman walang mawawala (parang totoo nga subconsciously, nasanay na akong magshallow breathing lang simula nung lumala yung bb ko, parang pinipigilan ko huminga ng malamim), 2013 lang ako nagstart magbasa about sa bb, 2017-2018 ako nagfocus more sa mga medical/science articles, trial and error din ng mga pagkain kaya memorize ko na din mga nakaka-bb sakin, nag-alangan lang ako sa gums kasi healthy naman siya nun, tas sabi ng dentista di pa naman kelangan i-root planing, (pero ngayon in bad condition siya, nagbi-bleed ng slight) kaka-floss ko, alam kong dun talaga sa gums yung amoy, mga 40% siguro ng bb ko dahil sa mucus sa throat, 10% aftertaste ng kinain (hello argntina corned beef, im looking at you), 10% pag may effect sa tiyan ang kinain, parang nagtatravel yung amoy from the intestines to throat (hello din, vigan longganisa at hard boiled egg) at 40% dahil sa gums, kaya ginawa ko nilagyan ko ng number per section pag nagfofloss para malocate saan yung gums na amoy fecal, na-locate ko naman hahahha at marunong pa rin ako tumawa sa lagay na yan, wala eh kailangan ko muna i-accept kahit grabeng blow sa self-esteem, nang maaccept ko nang ganun ang smell ko, moving on na ko sa pagplano ng customized treatment para sa sarili ko. Wala akong career, walang friends, walang freedom, wala nung meron yung ibang normal ang smell ng breath. Pero naka-focus pa rin ako, na malalampasan ko tong stage na to at syempre kelangan ko din ishare yung mga nabasa ko para na din dun sa mga baguhan pa na hindi alam ang gagawin (ps sa bb like mine, hindi nakakatulong ang candies or minty gums kahit pa sugarfree, na-mask niya siguro temporarily yung amoy but I think, nagfi-feed yung mga products na ganun sa mga bad bacteria, lalo nagpa-party-party ang mga bad bacteria sa oral microbiome)
space
Advanced
Posts: 104
Joined: Wed Feb 01, 2017 8:56 am

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by space »

Pahabol, the links below are not bb treatment related, but here are two motivational videos to keep us going:

https://m.youtube.com/watch?v=ScQ-ad9gR9M


https://m.youtube.com/watch?v=GX9gzEOVNMA
Tetchi
Newbie
Posts: 22
Joined: Tue Jun 19, 2018 1:38 pm
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Tetchi »

Hi Space,
Thanks for sharing everything you have posted, actually nagtry aq mg eat ng raw foods last mid nov til mid dec. But its too hard too hold my cravings sa food. I can only hold it sa breakfast. Pag dating ng lunch dinner, kumakain nq cooked food. Pansin q pg raw food lng kinakain q like fruits and veggied n raw, mas naleless ng konti p lngnmn bb q. Pero pgkumain nq cooked food, grabe tlga amoy. Lalo n ung maalat at instant food. Ngayong last holidays todo kain ko, walang raw food ako nkain, kya mas grabe nnmn bb. Peri plan q din magchange diet ulit simula ngayon mid jan. Feelinq ko nga un mkakatulonf ng malaki. I cant afford nutritionist kc sapat lbg kinukita jo abd i have family. Pero observe q ung body ko kung anu effect pag nag change ulit ajo food, salamat sa post mo, very positive din ung mga advices mo. Nega n kc ako sa mga punagdaanan ko pambubully. Actuve kase ako sa corporate worlf, kelangan magtrabaho eh, pero ung lahat ng tao ayaw ako kausapin because of my bb. Tyinatyaga at tinitiis ko na lng kase ayoko mawalan ng trabaho, may anak din kc ako. Salamat sa mga tips mo and mag post ulit ako dito from time to time if may progeress sa healing.
Alec T
Total Newbie
Posts: 3
Joined: Thu Dec 27, 2018 9:59 pm
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Alec T »

Justice wrote: Tue Jan 01, 2019 11:41 am
Alec T wrote: Thu Dec 27, 2018 10:27 pm Hello I found a cure to my periodontitis!
Periodontitis causes bad breath, next stage after gingivities! Siguro half sa inyo eto ang meron! Swelling of gums, pagluwag ng ngipin, pagdurugo ng gums, may nana sa gums na sobrang baho!

My story:
Sabi ng dentist ko to gargle with I forgot the name ng mouthwash but it worked! It was just gingivities! But in just a week magaling na sya! So I kept on my usual hygiene which is not brushing kasi 1 week lng solve agad! Pabalik balik ang gingi ko kasi nga nde ako pala toothbrush, it worsened! Naging periodontitis! Boom nde na nagana ang mouthwash ko lahat na sinubukan as in lahat ng available sa watson at mercury drug nde nagana!

My solution is paste not gargle:
Sa toothbrush, gargle nde mo mapatay lahat ng bacteria ng periodonti! Pero sa paste pano!
Napansin ko sa upper gums ko was affected as well! May swelling at minsan bigla bigla sobrang sakit, para kang may rayuma sa ngipin!
Nilagyan ko ng tooth paste yung gum na masakit, binabad ko cguro 5-10 mins. napansin ko nawala agad ang swelling! Kaya dun ko nakuha na eto ang solusyon!
Pero wag kaagad gawin wag excited eto ang steps!
1. Bili ka colgate 2 in 1 sa isang box yung triple action P149 kasi baka maubos mo 1 and 1/5 to see results! Nde ako taga colgate, at nasubukan ko ang iba nde nagana eh!
2. Babad babad pag may time, start kayo sa 5 mins after eating sa gabi, kasi masakit din sya at nakakapaso sa dila and lips!
3. As you progress mass damihan nyo ang pag lagay sa affected area at mas tagalan 10 mins to 15 mins. Yung affected area eh yung maga, may dugo, at grayish area!
4. Kung kaya mo na 15 mins minsan mapapansin mo may burn or parang napaso ka sa paglagay! Pahinga mo 1-2days wag ka muna magpahid! Toothbrush nlng muna!
5. 30 mins! Kung kaya mo na ito, next day pahinga at baka napaso mo na pati gums! 1-days pahinga
6. Work your way up till kaya mo na ibabad for 1 hr! Maglalaway ka at mapapaso, but sure napapatay mo rin yung bacteria! Mag laro ka nlng sa cp mo para malibang!
7. Mapapansin mo wala na ang nana sa gums, mo wala na rin ang pagdurugo, wala ng bad breath! From time to time gawin mo pa rin ang pag babad para nde na bumalik!

Sa lahat ng natulungan ko sa post na ito! Sana matilungan nyo rin ako sa ibang bagay hehe
Merry Christmas ti God be the Glory
Nde ako taga colgate hehehe
Happy new year! Babad babad pag may time!
Hi Alec.. maraming salamat sa info , may tanong lang po sana ako.. yung bb mo po ba is nanggagaling lng sa mouth or pati narin sa ilong...?
I'm not sure baka sa mouth lang, ang akin sa bleeding gums namamaga na may nanâ or puss, loosening of tooth, dark color of gums near teeth!
space
Advanced
Posts: 104
Joined: Wed Feb 01, 2017 8:56 am

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by space »

(at nawala ang tinype ko ng pagkahaba, ulit from scratch...)


Hello Tetchi,

Napansin ko din na nabawasan ang bb ko sa tailored diet. Last time na naka-strict meal plan ako kasi may kelangan asikasuhin, halos wala akong nakitang reaction. Nakatulong din siguro yung pagiging kalma ko knowing na may security ako nang kaunti na hindi ako nagkakain ng toxic (unlike dati, sobra akong paranoid na pag may tumatabi sakin tas lalong sumasama ang amoy na gusto ko na lang mag-evaporate hahahaha)

Kaya isinama ko siya sa previous posts ko, modified o tailored, kung anong okay na pagkain sayo, gaya sayo mukhang okay ang unprocessed (pero ang hirap nung raw diet ha). Mahirap din kasi yung magrely sa iisang food guide lang sa Google, kaya trial and error lang tayo. Isulat sa notebook, parang archive ng mga pagkain na okay at nakaka-worsen ng bb. Although hindi natin totally maamoy sarili natin, may hint pa rin naman na mapapansin natin mismo kung anong mga pagkain ang may ibang effect. Listing down below yung lalong nakaka-bb SAKIN for added reference (bb ko ay fecal):

S - smelly after
M - producing more mucus

1. beef [S] (especially shawarma, hamburger -- opt for chicken burger na lang like Zingers, wala yon masyadong lingering smell... corned beef particularly yung brand na letter "A" ang initial)

2. Chichirya [S, M] (halos lahat ng chicha basta may nakalagay na spices sa ingredients list lalo na onion at garlic powder, iwasan kapag nasa public, utang na loob)

3. CHEESE [SSSSS, M] (not worth it mga ate at kuya, paborito ko to dati, nagchi-cheat ako minsan hahahhaha)

4. Chocolate [S, M] (kasama na dito ang after smell ng milo sa almusal)

5. speaking of almusal, Pancit Canton [S,M] at Instant noodles na may sabaw [S] remember yung spices sa ingredients list

6. Dairy (medyo tricky ito, depende ata sa amount) [S 1/2, M]

7. Eggs (medyo tricky din, depende ata ulit sa quantity, sa pagkaluto din try to avoid eating hard boiled ones, iniscrambled ko sakin sa nonstick pan walang oil, nabasa ko din ang may highest protein content which is nagpapasmell ay nasa whites, kaya magexperiment ako kung okay kung sa egg yolks)

8. mango (yung yellow na hinog), pineapple, papaya [S]

9. Citrus in fruit form or juices or flavorings [S amoy medyas after, M] (orange, dalandan, lemon okay sa iba, sakin pareho sila ng amoy after)

10. sugary drinks [fuels bad bacteria] (water is the best option pag nasa public... coffee and other pre-mix beverage bb after)

11. biscuits, crackers, cookie sandwich [S, M] (iwasan kung may ongoing gum disease)

12. some ulam [S] (expect ng kasama dito ang adobo, in moderation na lang siguro, yung sinigang din na buto-buto ng baboy na pinakuluan nang medyo matagal sa sibuyas at bawang gives stench sa mucus sa throat, sisig (basta may fresh onion expect nang maamoy sa katawan, yung parang kulay yellowish na sibuyas na matamis pag naluto ng maayos, wala masyado lingering smell sa bibig compared sa kulay purple na onion na mas pungent dahil sa sulfur content), sa sardines mas unti ang aftertaste/aftersmell nung Spanish Style na may oil compared sa may red na sarsa, medyo may aftersmell din ang sinigang na salmon head na may radish (maamoy ang radish gaya ng repolyo), pakbet, pakbet, pakbet, vigan longganisa and other kind of longganisas, sa iba nakaka-bb din ang beans, sakin hindi ko siya madigest nang maayos)

13. meat - opt for sa parts na hindi masyado matigas, I mean gaya sa manok, piliin ang dark meat parts, yeah ipaglaban ang drumstick hahhaha iwasan ang breast part na sobrang malaman mataas kasi ang protein nun baka di madigest ng maayos pag mababa stomach acid, sa pork minsan lang ako kumain ng pork, kulang pa ko sa observation, sa seafoods hindi kami nag-uulam ng seafoods kaya wala akong info pa dun except sa fish, nag-uulam kami ng fish pero di ko pa naobserve ng maayos, remember yung mga cubes o pre-mix powder na hinahalo sa sauce o sabaw, maaring maka-bb din yun, liver or mga lamang loob can contribute din sa smell

14. some brands of toothpaste [S, drying]

15. some snacks/meals [S] (tomato + meat+ cheese combo: spaghetti, pizza huhubells.... classic palabok ehemm, etc.) ang ginagawa ko, kapag alam kong minsan lang yun like once or occasional lang hinahanda o meron, syempre ayoko naman maging sobrang hard sa sarili ko, kumakain ako hehehehhe for example, yung vigan longganisa once or twice a year lang meron sa bahay pag galing sila sa bakasyon kaya kumakain ako, pero kung may pupuntahan ako that day iiwasan ko siya for sure, ayun kayo na bahala kung anong diskarte niyo, basta 1-3 days nagtatagal ang pagkain sa instestines bago maexcrete

16. Fried, canola oil drenched foods [M]

*soy products (hindi kasi ako kumakain nito except sa soy sauce kaya wala akong masyadong info diyan, pero remember isa siya sa pinakamatataas ang protein content, which is nagiging smelly gas after) lalo nag-bbb din ako sa mani, lalo yung adobong mani ewan ko ba

*DISCLAIMER: The list mentioned above is based on MY personal observation. This is not a cure or complete treatment for bb, but can be helpful alongside with your treatment plan. Aside for smell related, I do this for the mucus in throat problem. Im hoping that the next course of specific diet (mentioned in my previous posts) can rid of the mucus. But if I cannot get rid of it, at least I will have new information on what worsens it or gives more stench to it. I cannot do full evaluation (with people's reaction) even while in that next meal plan, since I have another factor in hand, my gum disease. I plan to heal my gums and follow my own diet. I do not expect to have super super fresh breath, but I do want to live a better life. It was part of my acceptance and realization, that maybe my body is indeed different to the ones with normal breath, so I need to do extra, adjust some things (in this case, what I eat). Im currently sorting out different aspects of my life, and slowly creating the lifestyle that will be best for me, no matter what it look like to other people. One Psychologist in IG wrote that it doesnt need to make sense to them, it needs to make sense to YOU. If they will ask me why I refuse to eat a certain food, I'll just be honest that "that food gives me bad breath or worsens my mucus". I'm quite tired explaining and following some "norms" and then I'm one to suffer the consequences.

And mukhang last post ko na to since I am busier these days and the coming months, but there's this quote I try to remember: "You have to see what the problem is, but you can't make it so horrific to just give up."

These are just mere words to be taken as a grain of salt. Remember that you know your body more than anyone. That's your vessel for so long and you have the right and power to decide whats best for you. Eventually, you will know what are those, whats not helping or whats healing you. In our healing process, may we give our best efforts to make our WHYs stronger than our I CANNOTs.

Tetchi, and to all of us challenged with this circumstance, may we all still find happiness and know that we are worthy of it, always, whatever the smell of our breath may be. Keep our souls the freshest thing about us.
space
Advanced
Posts: 104
Joined: Wed Feb 01, 2017 8:56 am

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by space »

At pahabol again, dahil habit ko magpahabol, last na talaga. If gagawin ng medyo matagal ang diet lifestyle at gahol sa oras or mahigpit ang budget, planning ahead/doing meal plan could help. Maraming klase ng meal ideas sa IG, pero keep in mind yung personal list niyo ng food. Kung kakain sa labas, at walang choice, choose the "less evil" food, yung alam niyong di magkame hame wave yung breath. At for Tetchi, kasi I kind of feel bad, kasi ang hirap ng raw diet talaga. I tried that once December of 2015, I lasted only like 3 days ata, strictly eating only watermelon and saging na saba, I was that desperate then kasi I need to be present para sa extended family dinner, but I realize that was only intended for extreme times, not my long term solution as I lost weight in just a short span of time and gave me LBM too, isa sa pinakamahirap parang raw vegan yun. Try to cook with simple methods like blanching, boiling or steaming (the very boring methods and boring tasting meals, but this is for experimenting/testing/gathering information purposes, if you'll carry on with the diet route, information is key) For some flavor at least, add again the boring basics like little amount of salt, pepper, some herbs, extra virgin olive oil if oil is needed for sauteeing but in moderation, avoiding seasonings like cubes or basta may nakalagay na aji dun alam mo na yun (I used to eat fried na eggplant with salt para sa ulam, does not worsen MY bb but yung canola oil sa pagprito can worsen my mucus, also boiled kamote, does not worsen my bb but can give you gas/flatulence as the same with normal people). Please be reminded that the cooking methods and flavorings mentioned above are not for the general bb sufferers but for Tetchi for her to try a wider range. Different people have different ranges, like there are some who can eat almost everything, just a certain food here and there that worsen their smell. You dont have to stick with "the boring" meals forever, but this is to gain more knowledge about your own food range so you can at least know how to manage/lower your bb smell even a bit.
Alec T
Total Newbie
Posts: 3
Joined: Thu Dec 27, 2018 9:59 pm
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Alec T »

Saan galing ang mucus? Did you have it checked? Anong nag co-cause ng mucus, bacteria?
space
Advanced
Posts: 104
Joined: Wed Feb 01, 2017 8:56 am

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by space »

(I will reply as long as I can...)

That clear mucus is the biggest mystery. Nagstart lang ko magkaron nun nung college, nagkasipon ako at ubo, tas gumaling na yung ubo at sipon pero may mucus pa rin na clear. Mas grabe siya nung student pa ko kasi nakababad kami sa aircon maghapon, blocked din nun pati nostrils ko, ngayon hindi na. May certain foods like kunwari gatas o chocolate, parang mas kumakapal yung feeling sa lalamunan ko.

Specifically, ang sinasabi kong mucus ay clear, kakulay ng saliva pero mas thick ba siya o slimy. Hindi naman siya sobrang dami, pero meron andun baka nasa esophagus ko din. Ewan ko din nga kung PND yun, kasi lumulunok ako several times. Pero wala kong sinusitis. At kahit may mucus pala dun, hindi ako palagi nagsosore throat (mga 1-2x lang ako nagkakasore throat sa buong taon). Okay din ang boses ko, hindi hoarse (unlike sa gerd, naapektuhan ang boses, may reflux sa gabi, heartburn ganun)

Pinacheck ko na dati, niresetahan ako for GERD, ang mahal ng gamot pang-ilang buwan, hindi naman nawala. Wala rin ako other symptoms nung GERD like heartburn, yung mucus lang tsaka dati parang may nasa lalamunan ko globus feeling ba yun, pero ngayon wala na. Ewan ko kung airway reflux yun. Pero sa pinakalatest kong mga nabasa, ang isa rin sa nagkacause daw ng mucus ay INFLAMMATION. Maraming nagkacause sa inflammation (bukod sa gerd) like yung kinakain mo (example harina), kung may mali sa gut mo, or kung histamine overloaded ka na, o yung isa pa MCAS (parang kagaya din ng histamine intorelance pero eto sa mcas kasama ang environment sa mga triggers like for example yung weather)

ive added a new possibility sa root cause ng bb ko (bukod sa gum disease at yung mucus), nabasa ko kahapon yung sa nagpost ng article sa SELENBP1, yung about sa inborn metabolism error, sa gene mutation, culprit gas ay methanethiol. Kasi sa family namin, may iba pang members ang may bb, although ako ata yung pinakaworst, ang swerte ko talaga hahaha. diba nabanggit ko nga yung mga nasa list ko, karamihan dun ay mataas ang thiols at methionine (at iba pang sulfur compounds, mahirap lang yun elaborate kasi Chemistry na yun, masakit sa ulo)


2017 lang ata napublished ang results ng about sa SELENBP1 (take note na ang subjects sa research ay na-rule out na iba pang possible cause na kasama na metabolism related like TMAU at iba pa) Sabi, wala pang cure sa ganitong klase ng halitosis (metabolic, napupunta sa dugo yung sulfur compound whatever na hindi kaya iprocess ng katawan, pagdating sa lungs, lumalabas sa breath) dietary measures pa lang, pero hopefully sabi dun ongoing pa rin naman ang research nila para sa paghahanap ng treatment. Pero okay pa rin yun na news, kasi at least ngayon, may ganyang nang published research sa halitosis, at pinag-aaralan na nila.

Bago lang lumabas ang research, pero naalala ko yung post ni "greenbay27" sa kanya ko nalaman yung about sa mga dairy eggs at iba pa. May fecal bb din siya, siya yung nagtake ng megadose ng probiotics. Matagal ng post yun, parang nawala na nga sa google.


[post script para kay Alec, although hindi na ako gumagamit ng colgate, susubukan ko na din, yun bang infected gums mo ay bumalik sa pagka-pink ang kulay at nagtighten ulit sa ipin?]
space
Advanced
Posts: 104
Joined: Wed Feb 01, 2017 8:56 am

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by space »

at magdadagdag na naman ako as usual (hanggang kaya ko magpost dito, iiwan ko sa thread, pasensiya na medyo persistent pa ko ngayon kaya nilalagay ko na diyan lahat ng alam ko, wala akong hinihinging kapalit o hidden agenda, o magtitinda ng products ganyan, pure po intentions ko, kung diba sa thesis meron duon part na Related Literature/Related Studies, parang ganun lang ang ginagawa ko sa mga posts na to, naglalagay lang ako ng references for added information (pasensya na nakatagalog yung iba ksi mahirap din icompose lahat sa english tapos ita-type ko din ng mahaba) paki-translate na lang kung may magtatanong, ginagawa ko to kasi lahat ng narasanan niyo, narasanan ko din, kaya alam ko yung level ng desperation na ma-cure to, ayaw ko lang na masira lalo yung ibang parts ng katawan niyo kakasubok ng kung ano-anong may chemicals (may nabasa ako dito dati na nagririnse na ata ng bleach at yung ingredients na nasa clorox, isipin nang mabute pag subukan ang mga sinasuggest, although mas tolerable yung mga probiotics, enzymes at supplements, iwasan ang paggamit ng antibiotics hanggang maari)

related sa latest post ko, bat ko nasabing may possibility sakin yung sa SELENBP1 na metabolic bb, kasi ganito yun, nung grade 1 (6-7 years old) ako (malinaw memory ko), one time sabi nung kaklase ko "baho naman ng hininga mo", ang naalala kong hinahanda na almusal lagi nun ay pancit canton na pinaghahatian namin tapos pag wala ng oras, iinom ng milo. Note na hindi ako nag-a-antibiotics noon o umiinom ng mga gamot-gamot kasi hindi ako sakitin na bata, pinapainom lang ako ng gamot kapag may ubo o sipon. Aside sa incident na yan, halos bb-free pa namn ko nung elem, o hindi pa siya noticeable.

Naunang magka-bb yung ibang member ng family, pero wala p din nung mga bata kami, halos ngstart lang ng teenage years na. Iba din ang bb, hindi gaya ng "normal na bb" kasi minsan naamoy ko din breath ng classmates ko pero hindi sobra-sobra sakanila na nawawala pagkatapos magbrush o kumain. Nagstart din sakin ng teenage, mag-14 na. Sabi ng isang relative, magbrush daw ako palagi tapos binilhan pa ko ng mouthwash. Parang wala lang nun sakin yun. After that, meron na nga. Pero okay okay pa. I mean, hindi p grabe. Nung mga 17 grumabe, sumbay na siguro pagstart ng gum disease (na hindi ako aware, walang nana o pain, hindi rin ngbibleed nuon, sa next na pupunta ko sa dentist pipilitin ko n sila imeasure yung gum pockets).

Nagsuper saiyan level, yung nakakafill up na ng isang room, nung dumgdag na ang mucus. Nagpapanic na kasi ako nun kada magbubukas ako ng pinto at maraming tao sa loob, grabe ang palpitations ko. Dati wala pa nga ko alam na nakakabb ang pagkain (ang alam ko lang gaya din nung alam ng karamihan, yung bawang at sibuyas) araw-araw ako may chicha, chocolate cookie sandwich, bili tropicana orange pag merienda, halos lahat yung nasa listahan ko ayun pinagkakain ko nun.
Ricky
Sheriff
Posts: 376
Joined: Wed Mar 22, 2017 7:09 am
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Ricky »

Hello guys!

Nalimutan ko password ko. Sensya na. Dito na lang ako sa forum mag message. Anyway ganito pa rin ako, bb.

I believe na sa mucus talaga ang bb. Maybe nagkaroon tayo ng imbalance sa digestive system natin whenever we take prolong medication, or skipping of meals or to much fastfood. Maybe sa stress din nag contribute.

Maybe ang diet ay dapat greens. Ofcourse kelangan pa rin ng kaunting protein
fuskar
Total Newbie
Posts: 1
Joined: Thu Jan 31, 2019 11:31 am
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by fuskar »

BB Sufferer here for 16 long years. I am now 30 years old.

Half my life I have fought this embarrassing condition with all the insults and the like.
I have done everything that I can and went to every doctor, dentist, gastro, ent that I could find.
I tried every possible "treatment" like mouthwashes, saline solutions etc. Some doctors just dont even care with the condition and would just say just brush your teeth and floss.... like wtf do they even understand that this condition can be caused by other things like sinus, stomach etc.


I complained about heavy post nasal drip but the doctors would just give me nasal sprays and antibiotics and any succeeding follow up and checkup
are just the same old procedure or advice like diet etc.

I can't stay on one company because soon they will know my condition and its very embarrassing so I bounced off and went to work with a lot of companies. Lots of promotions and career opportunities have been lost. And most of my very hard earned salary only goes to all these checkups and consultations and medical procedures.

Finally I was able to get to find a doctor (from a family friend) that really examined my condition and took all my bb concerns very seriously he carefully studied my past medical history, blood test, sugar levels, stomach endoscopy, sinus endoscopy, xrays and everything I can think off, and Behold he was able to find the exact cause of my post nasal drip and bad breath which is NASAL POLYPS.

He told me that if the medications will not work we might need to get an MRI for clearer picture of the NASAL POLYPS and might need surgery.
It is very bittersweet for me because I was able to find the cause of my BB suffering but knowing I may no longer be able to afford such MRI and sinus surgeries is a bit heartbreaking.

Guys if you are able to do a sinus checkup with an ENT please convince him to really look for NASAL POLYPS and I hope you all can finally be cured.
Nami
Total Newbie
Posts: 13
Joined: Wed Mar 21, 2018 7:23 am

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Nami »

Hey guys! Kamusta na kayo hopefully bb free na tayo lahat kaso ang hirap talaga tanggapin hindi pa rin tayo iniiwan niya. Napamahal na talaga satin sin bb parang anak na nga eh. Djk! Btw narinig niyo na ba yung Detoxic na supplements na galing pa russia? Nakita ko yun ang ads about sa mabahong hininga kaya nakita ko yung gamot. Tapos chineck ko mga reviews and prices online. Meron sa Lazada. So far okay siya guys sa 5 days na paginom ko parang naging manamis namis ang bibig ko hindi na tulad dati na mapait kahit kakatoothbrush lang. Safe na man daw yun itake inisip ko na lang kahit hindi safe eh bahala na basta kahit 50% lang ng bb eh mawala. Okay yun sa digestion so far hindi na ako constipated and good din daw yun sa bb kaya nagtry ako. Hindi ako nagbebenta guys. Itry niyo na lang para makita niyo ang result if effective.
Ricky
Sheriff
Posts: 376
Joined: Wed Mar 22, 2017 7:09 am
Gender:

Re: Anyone live in Philippines? Manila.

Post by Ricky »

I am disappointed again becoz i got sick twice. One in December and again in February. These are cold months. Therefore i went to see a doctor and ofcourse, another round of antibiotics, a contributing factor to bb. Hay buhay!
Post Reply Previous topicNext topic